Mga Katutubo at Kabataan tutol sa Cha-Cha ni Aquino/Belmonte

upload2

Maynila- Naglunsad ng isang kilos protesta ang mga katutubo sa pamumuno ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP) kasama ang Kabataan para sa Tribu Pilipino sa harap ng Batasang Pambansa uang kundinahin ang maniobra ng mga kaalyado ni BS Aquino na baguhin ang konstitusyon ng bansa.

Ayon kay Danilo Elosendo, tagapagsalita ng KATRIBU, “Ang Pagbabago ng konstitusyon o Charter Change (Cha-Cha) ay maghuhudyat ng lalong higit na pagkawala ng lupaing ninuno ng mga katutubo. Higinitong pabibilisin ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan katulad ng mga dambuhalng minahan sa lupang ninuno namin”

“Sa pagbabago ng konstitusyon, higit pa nitong iberalisahin o ibubukas ang lupain ng mga katutubo sa dayuhang ganid sa yamang mineral natin. Sa ngayon pa lamang, 5 mula sa 6 na Financial Technical Assistance Agreement sa ating bansa ay matatagpuan sa lupain ninuno. Paano pa kaya kapag tinanggal natin ang pagbabawal sa dayuhang mamumuhunan na magmay-ari ng lupain ng 100 porsyento? Lalo lamang itong magreresulta sa higit na mabilis na pagkawala ng hindi lamang ng lupa ng mga katutubo kundi pati na rin ng ating yamang mineral.”

Ikinigagalit din ng grupo ang aktitud ng mga kongresista sa pamumuno ni Cong. Sonny Belmonte na nanggigil na madaliin ang pagbabago ng ating konstitusyon. Ang FTAA sa ilalim ng Mining Act of 1995 ay nagpapahintulot sa dayuhang kumpanya ng mina na ariin ng 100 porsyento ang lupaing saklaw ng kanyang aplikasyon ng mina. Noong 2004, pinayagan ng Supreme Court na pagmay-arian ng 100 porsyento ang lupain saklaw nito kahit taliwas ito sa nakasaad sa konstitusyon. Isinasaad ng konsitusyon ang maximum ng 40 porsiyento dayuhang pagmamay-ari at kontrol sa mga anumang industriya at korporasyon sa bansa.

“Taksil sa bayan, ito ang dapat itawag sa mga kongresista o senador na sumusuporta sa Cha-cha? Tila naubusan ng nasyunalismo at pagmamahal sa bayan ang mga kongresista natin. Sinong matinong pilipino na ipapaubaya ang patrimonya ng ating bansa sa kamay ng dayuhang mamumuhunan maliban sa mga taksil.”

Gayon din, ipinahayag ng grupo na hindi ito naniniwala sa pagkukunwari ni BS Aquino na hindi pabor sa cha-cha.
“Itinuturo ng kasaysayan natin na halos lahat ng presidente mula kay Ramos haggang kay Arroyo ay tinutulak ang pagbabago ng saligang konstitusyon at lahat din sila ay sa simula lang nagsabi ng pagkontra sa Cha-Cha; subalit pagdakay binawi rin.”

“Pinatutunayan lamang ng aksyon nila Speaker Belmonte at ng Liberal Party na ang kanilang ginagawa sa loob ng kongreso ay may basbas ni Aquino. Hindi naman gagalaw ang partido ni Aquino at ang Liberal Party ng walang basbas ng kanilang presidente.”

“Dagdag pa, ang pagbabago ng konstitusyon ang isa sa sangkap na liberalisadong patakarang pang-ekonomiya ni Aquino, kalakhan ng kanyang programa na ipinatutupad ay tanging nagbibigay laya lamang sa mga dayuhang mamumuhunan.”

Ang mga katutubong mamamayan ay hindi makakapayag sa ganitong patakaran, kung itutuloy ng kongreso at ni Aquino ang pakana nitong Cha-Cha ay tiyak na lalahok kami sa mga kilos protesta para mapigilan ang Cha-cha.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s